Sa ulat ni P/Senior Supt. Mario B. Subagan, PNP provincial director, bago naisagawa ng pulisya ang pagsalakay sa 3.7 ektaryang plantasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang kapulisan mula sa mga opisyal ng barangay at residente tungkol sa malawak na taniman ng marijuana ng mga rebelde.
Agad na bumuo ng dalawang grupo ang pulisya sa pumumuno nina P/Sr. Insp. Mario Castillo at P/Sr. Insp. Fabiano Sudario.
Sa unang araw ng operasyon, sinalakay ang plantasyon ng marijuana, subalit sinalubong ang mga kagawad ng pulisya ng sunud-sunod na putok mula sa mga nagbabantay na rebeldeng NPA hanggang sa magsiatras ang mga ito at nakumpiska ang 40,000 puno.
Aabot naman sa 35,000 puno ng marijuana ang nakumpiska sa ikalawang operasyon at bulto-bultong puno ng marijuana ang sinunog. (Ulat ni Myds Supnad)