Rapist-killer ng nene hinatulang mabitay
March 22, 2004 | 12:00am
Kinatigan ng Supreme Court ang hatol na bitay laban sa isang obrero matapos na mapatunayang humalay at pumatay sa isang 9-anyos na nene sa Negros Occidental noong Hulyo 1995.
Sa 14-pahinang desisyon ng Korte Suprema, kinumpirma ang parusang bitay na iginawad ng San Carlos City Regional Trial Court Branch 59 laban kay Paulino Sevilleno dahil sa krimeng ginawa sa biktimang si Virginia Bakia sa Brgy. Guadalupe, San Carlos City noong Hulyo 22, 1995.
Bukod sa hatol na kamatayan ay pinagbabayad pa ang akusado ng P.2 milyon bilang danyos perwisyo na idinulot sa pamilya ng biktima.
Base sa record ng korte, nahikayat ng akusado na sumama sa sariling bahay ang biktima at doon isinagawa ang karumal-dumal na krimen.
Nadiskubre ang krimen matapos na ikanta ng nakababatang kapatid ng biktima sa kanilang magulang ang kinaroroonan ni Virginia. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest