NPA vs NPA: 6 rebelde patay
March 22, 2004 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO CITY Tinatayang aabot sa anim na rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nasawi makaraang magbarilan ang dalawang grupo ng rebelde sa kabundukang bahagi ng Barangay Mahagsay, San Luis, Agusan del Sur noong Huwebes ng gabi.
Sa pahayag ni Lt. Col. Johnny Macanas, commander ng 29th Infantry Battalion na nakabase sa Prosperidad, Agusan del Sur, may dalawang oras na nagsagupa ang grupo ng Front Committee 34 mula sa Davao at Front Committee 88 ng Agusan del Sur.
Ayon kay Macanas, naging madugo ang naganap na engkuwentro ng dalawang grupo ng NPA rebels dahil na rin sa kadiliman ng naturang lugar ay kapwa naghinala ang dalawang grupo ng NPA rebs na tropa ng militar ang kanilang naka-engkuwentro.
Sinabi pa ni Macanas na magsasanib sana ang grupo ni Eleuterio Kasal, alyas Commander Nolan ng Front Committee 34 at Rene Mandahinog, alyas Commander Alab ng Front Committee 88 para sagupain ang tropa ng 29th Infantry Battalion dahil sa nalalapit na anibersaryo ng CPP-NPA sa Marso 29, 2004.
"But God, in his mercy and grace, thwarted their evil plans and spared us from any harm," ani pa ni Macanas.
Kasunod nito, nasakote naman ng mga tauhan ni Macanas ang isang 14-anyos na NPA rebel ng matapos ang engkuwentro sa Barangay Sinacunan, Esperanza, Agusan del Sur noong Linggo.
Kasalukuyan naman isinailalim sa tactical interrogation ng 29th IB ang nadakip na rebeldeng si Tema Namatindong, tubong Higaonon.
Ayon sa ulat, si Namatindong ay nasakote ng mga tauhan ni Macanas matapos na makasagupa ang 15 na rebelde sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Bong D. Fabe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended