Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, kasalukuyan pang beneberipika ang pangalan ng dalawang nasawing rebelde matapos na wala ni isa mang identification card na makuha sa bangkay ng mga ito.
Isa namang tinukoy sa pangalang Sgt. Roger Galacio, ang isa sa limang nasugatang sundalo na pawang nilalapatan pa ng lunas sa pagamutan.
Nabatid na dakong alas- 11:30 ng umaga habang kasalukuyang pasakay sa 6x6 Army truck ang tropa ng 30th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno nina Lt. Errol Ramones at 2nd Lt. Anthony Solamo sa bisinidad ng Brgy. Mahanub, Gigaguit, Surigo del Norte nang paulanan ng bala ng mga rebelde.
Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay mabilis na gumanti ng putok ang mga sundalo na ikinasawi ng dalawa sa mga umaatakeng rebelde at makalipas lamang ang ilang minuto ay agad na umatras sa sagupaan ang mga rebelde matapos na mapatay ang dalawa sa kanilang mga kasamahan.
Narekober sa clearing operations ang dalawang bangkay ng nasawing rebelde at isang M 16 rifles.
Sa kaugnay na balita, isa namang sundalo ang nasawi matapos makasagupa ang grupo ng mga rebelde sa Brgy. Dicamay Uno, Jones, Isabela bandang alas-9:30 ng umaga.
Ang nasawing sundalo ay nakilalang si Pvt. Michael Catembong , kasapi ng Armys 45th Infantry Battalion (IB) na agad binawian ng buhay sa insidente. Patuloy naman ang pursuit operations laban sa grupo ng mga rebelde. (Ulat nina Joy Cantos/ Angie dela Cruz)