6 brgy. may satellite TV na

LEGAZPI CITY – Anim na liblib na barangay sa Manito, Albay ang nabigyan ng satellite TV sa ilalim ng programa ng Community Relation(Comrel) at Bacon Manito Geothermal ng PNOC. Sa isinagawang simpleng seremonya kahapon sa pangunguna ni PNOC president Paul Aquino, naipamahagi ang mga telebisyon sa naturang lugar bilang karagdagan sa kaalaman ng mga residente tungkol sa agrikultura at negosyo na makakatulong sa kanilang hanapbuhay. Dahil sa programa ng PNOC ay naglundagan sa tuwa ang mga residente ng anim na barangay na matagal na panahong walang kuryente ay makapapanood na sila sa telebisyong gamit ang makabagong teknolohiya. (Ed Casulla)

Show comments