Habang sinusulat ang balitang ito ay dalawa pa lamang sa nasawi ay ang nakilala na, ito ay sina Teresita Valenzuela ng Guinobatan, Albay at Francisco Romeo.
Kabilang sa pasaherong sugatan na dinala sa Greg Hospital, Sariaya, Quezon ay kinilalang sina Helen Vicky, Socorro Grajo, Gene Grajo, George Garcia, Noel Alber, Antonio Bercasio at Victor Carposo.
Ginagamot naman ang ibang pasahero sa Quezon Memorial Hospital na sina Bonifacio Rogo, Arnel Seran, samantalang sina Myrna Arsenal at hindi pa kilalang pasahero ay nasa United Doctors Hospital sa Lucena City.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Charlie Gutierrez, naganap ang sakuna dakong alas-2 ng madaling-araw sa kahabaan ng naturang highway.
Ayon sa pulisya, binabagtas ng Elavil Bus na may plakang EVN 328 ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo sa Maynila mula sa Bicol nang sumalpok sa likurang bahagi ng trak na may plakang UFF 897.
May teorya naman ang mga imbestigador na hindi napansin ng drayber ng bus na si Freddie de la Cruz na may sinusundang trak dahil na rin sa napakabilis magpatakbo.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang ibang pasahero na hindi nasugatan ay sumakay sa ibang nagdaraang pampasaherong bus at ipinagpatuloy ang kanilang biyahe patungo sa Maynila.
Samantala, 12-katao naman ang nasawi makaraang salpukin ng isang trak ang isang multicab sa highway ng Sta. Margarita, Western Samar kahapon ng tanghali.
Gayunman, kasalukuyan pang beneberipika ang mga pangalan ng mga nasawing biktima.
Nabatid na patungo ang trak na naglalaman ng mga isda sa Tacloban City nang aksidente itong sumalpok sa kasalubong na multicab na patungo naman sa Calbayog City. (Ulat nina Tony Sandoval,Celine Tutor,lEd Amoroso at Joy Cantos)