3 pusher dakip ng CIDG
March 19, 2004 | 12:00am
Tatlong sibilyan na pinaniniwalaang notoryus sa pagtutulak ng droga ang nasakote ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4 makaraang magsagawa ng narcotics police operation sa Lakandula Street, Barangay Maguihan, Lemery, Batangas noong Martes ng hapon.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal sa BJMP, Lemery, Batangas ang mga suspek na sina Jayson R. Anuran, 27; Rhodel V. Holgado, 33; at Arlene C. Gardiola, 28, na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat ni P/Chief Armando I. Unico, field officer ng CIDT, ang tatlo na pawang kasapi ng Jayson Anuran Group na nagpapakalat ng droga sa Lemery, Batangas at karatig pook ay dinakip sa drug bust operation bandang alas-5 ng hapon.
Ayon kay Unico, si Jayson ay nakumpiskahan ng 1.0 gramo ng shabu samantalang kina Rhodel at Arlene naman ay 2.5 gramo na nakalagay sa heat-sealed plastic sachet. (Ulat ni Mario D. Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended