Kinilala ang biktima na si Usup Sonsora, at residente ng Brgy. Matingin, Sultan Kudarat, Pendatun, Maguindanao.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., naganap ang pamamaslang sa harapan ng bargain center sa panulukan ng Don Rufino Alonzo at Bonifacio St. sa Cotabato City bandang alas-11:50 ng gabi.
Nabatid na kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga armadong lalaki.
Armado ng cal .45 baril ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima habang nakatalikod.
Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang direksiyon.
Agad namang isinugod sa Cotabato Medical Specialist Hospital ang biktima, subalit itoy ideneklarang patay ng mga manggagamot.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up operations ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)