^

Probinsiya

Mag-live-in niratrat ng tulak

-
Antipolo City Napatay ang isang lalaki samantalang nasa kritikal namang kalagayan ang live-in partner nito makaraang pasukin ang kanilang bahay ng isang tulak ng droga at pagbabarilin habang kumakain ng hapunan sa barangay San Isidro ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Edwin Jollosa, 25, samantalang agaw-buhay naman sa pagamutan ang live-in patner nitong si Rosalyn Bohol, 28, na nagtamo ng tama ng bala sa mukha, pawang residente ng Sitio Maligaya ng nasabing barangay. Agad namang tumakas ng supek na nakilalang sa alyas Bunso, kilalang tulak sa nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi habang kumakain ng hapunan ang mga biktima nang biglang pasukin.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa naturang pamamaslang habang nagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BUNSO

EDWIN BALASA

EDWIN JOLLOSA

INAALAM

NAPATAY

NAPURUHAN

ROSALYN BOHOL

SAN ISIDRO

SITIO MALIGAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with