^

Probinsiya

BID binomba ng Abu

-
Camp AgUInaldo— Isang buntis ng ginang ang nasugatan matapos na sumabog ang itinanim na bomba ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa harap ng tanggapan ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) kamakalawa sa bayan ng Jolo, Sulu.

Ang nasugatang biktima ay nakilalang si Armida Elong, 24 na ngayo’y kasalukuyan ginagamot sa pinakamalapit na pagamutan dahil sa tinamong sugat sa ulo at kamay.

Batay sa ulat ni AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko, dakong ala-1 ng madaling araw nang maganap ang pagsabog sa harapan ng Bureau of Immigration Office sa bisinidad ng Marinos St,. Jolo, Sulu.

Ang nasabing bomba ay iniwan ng mga terorista sa nakaparadang traysikel sa harapan ng nasabing tanggapan at habang patakas ang nasabing mga kalalakihan ay umalingawngaw ang malakas na pagsabog.

Narekober naman ang mga nagrespondeng awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang mga shrapnel at 60 MM Mortar ammunitions.

Pinaniniwalaan namang ang nasabing pagpapasabog ay bahagi ng ‘sympathy attacks’ ng Sayyaf sa pagkakabitag ng militar sa kanilang pinunong si Ghalib Andang, alyas Commander Robot. Si Commander Robot na naputulan ng kaliwang binti ay sugatang nadakip ng tropa ng militar noong nakalipas na Disyembre 7, 2003 sa Indanan, Sulu.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang nangyaring pagpapasabog. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ARMIDA ELONG

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

BUREAU OF IMMIGRATION OFFICE

COMMANDER ROBOT

GHALIB ANDANG

JOLO

JOY CANTOS

MARINOS ST

ROY KYAMKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with