Lolo tinodas ng pamangkin

IMUS, Cavite – Isang 53-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang paluin ng matigas na kahoy sa ulo ng sariling pamangkin dahil sa mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Barangay Silangan, Naic, Cavite. Idineklarang patay sa Naic Hospital ang biktimang si Memencio Molina, samantalang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Melvin Molina ng Villa Apolonia ng nabanggit na barangay.

May teorya ang pulisya na nagalit ang suspek sa matanda sa hindi nabatid na pagtatalo kaya nagawang paluin ng kahoy sa ulo na ikinasawi nito. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments