Propesor patay sa ambush
March 16, 2004 | 12:00am
LEGAZPI CITY Tinambangan at napatay ang isang dating opisyal ng pulis na naging propesor ng unibersidad ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nagmamaneho ng owner-type jeep sa kahabaan ng Barangay Concepcion Pequena, Naga City kahapon ng umaga. Bandang alas-9:30 ng umaga nang harangin ng mga rebelde ang biktimang si Ramon Claros, 67, at residente ng Barangay Dimasalang, Sta. Cruz ng nasabing lungsod.
Base sa ulat na isinumite kay P/Chief Supt. Jaime Lasar, police provincial director, naitala ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga sa nabanggit na barangay. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na naging opisyal ng pulis ang biktima sa Camarines Sur na nakikipaglaban sa mga rebelde bago magretiro. May teorya naman ang mga imbestigador na gumanti lamang ang NPA laban kay Claros. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended