Kinilala ang napatay na sundalo na si Sgt. Medardo Modelo, kasapi ng Armys 28th Special Forces Company (SFC).
Isa sa apat na napaslang na rebelde ay kinilala naman sa alyas na Ka Alvin habang patuloy namang biniberipika ang mga pangalan ng tatlo pa.
Sa nakalap na ulat kahapon sa tanggapan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, bandang alas-5:30 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng 68th Infantry Battalion at 28th SFC ng Phil. Army ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa liblib na Sitio Anislag, Brgy. Aloha, Bauan, Bohol.
Ditoy agad na nagkaroon ng umaatikabong palitan ng putok sa pagitan ng militar at ng rebelde sa ilalim ng pamumuno ni Domingo Samuya, Ka Boning at Domingo Campoc, alyas Ka Teloy/Cobra ng Front Committee, Central Visayas Regional Party Committee.
Tumagal ng may dalawang oras bago tuluyang nagsiatras ang mga rebelde patungo sa katimugang direksyon ng nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)