^

Probinsiya

NPA vs AFP: 5 patay

-
CAMP AGUINALDO – Isang sundalo at apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos na sumiklab ang sagupaan makaraang salakayin ng tropa ng militar ang pinagkukutaan ng komunistang grupo kamakalawa sa lalawigan ng Bohol.

Kinilala ang napatay na sundalo na si Sgt. Medardo Modelo, kasapi ng Army’s 28th Special Forces Company (SFC).

Isa sa apat na napaslang na rebelde ay kinilala naman sa alyas na Ka Alvin habang patuloy namang biniberipika ang mga pangalan ng tatlo pa.

Sa nakalap na ulat kahapon sa tanggapan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, bandang alas-5:30 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng 68th Infantry Battalion at 28th SFC ng Phil. Army ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa liblib na Sitio Anislag, Brgy. Aloha, Bauan, Bohol.

Dito’y agad na nagkaroon ng umaatikabong palitan ng putok sa pagitan ng militar at ng rebelde sa ilalim ng pamumuno ni Domingo Samuya, Ka Boning at Domingo Campoc, alyas Ka Teloy/Cobra ng Front Committee, Central Visayas Regional Party Committee.

Tumagal ng may dalawang oras bago tuluyang nagsiatras ang mga rebelde patungo sa katimugang direksyon ng nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BOHOL

CENTRAL VISAYAS REGIONAL PARTY COMMITTEE

CHIEF OF STAFF GEN

DOMINGO CAMPOC

DOMINGO SAMUYA

FRONT COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA ALVIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with