^

Probinsiya

Kandidatong konsehal kinidnap

-
CAMP CRAME – Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang konsehal na kandidato sa ilalim ng partido ng administrasyon na hinihinalang may kinalaman sa papatindi pang labanan sa pulitika sa Bubong, Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Madji Rasul Mamalo, kandidatong konsehal ng ruling Lakas-NUCD party sa nasabing bayan.

Batay sa ulat, naitala ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa Brgy. Bubonga-Didagun, Bubong, Lanao del Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang pauwi ang biktima galing sa pagsamba sa mosque nang harangin ng mga tauhan ni Ibrahim Solaiman.

Agad na kinaladkad ang biktima at sapilitang isinakay sa naghihintay na kulay berdeng Toyota Tamaraw FX na walang plaka saka nagsitakas patungo sa direksyon ng Marawi City.

Nabatid na si Solaiman ay may standing warrant of arrest sa kasong kidnapping at illegal detention na inisyu ng Regional Trial Court ng Lanao del Norte.

May teorya naman ang pulisya na posibleng nakipagsabwatan si Solaiman sa mga kalaban sa pulitika ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng mga awtoridad upang buhay na iligtas ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAY

BUBONG

IBRAHIM SOLAIMAN

JOY CANTOS

LANAO

MADJI RASUL MAMALO

MARAWI CITY

REGIONAL TRIAL COURT

SOLAIMAN

TOYOTA TAMARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with