Kinilala ang mga ito na sina PO1s Jojo Gojo, Crispin Desaliza at Jeric Buena; pawang nakatalaga sa Bravo Company ng 5th Police Regional Mobile Group (PRMG).
Ang mga suspek ay nahuli sa akto habang illegal na nag-i-escort kay Danilo Corpuz, 50, mayoralty candidate sa bayan ng Aroroy.
Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., ang tatlo ay nasakote ng mga elemento ng Masbate City police station sa Brgy. Centro ng lungsod bandang alas-5:45 ng hapon.
Nabigong magpakita ng mga kaukulang dokumento mula sa Commission on Elections (Comelec) para umaktong security escort ng nasabing kandidato.
Bago naganap ang pag-aresto sa tatlo ay nakatanggap ng impormasyon ang Masbate City Police na may mga armadong kalalakihan na sakay ng L300 van na may plakang CTZ-527 na kahina-hinalang gumagala sa Brgy. Centro ng lungsod.
Rumesponde ang mga awtoridad at nahuli sa akto ang tatlo kasama ang isang Divino Gonzales, negosyante at pinsan ni Corpuz na nag-i-escort.
Nasamsam ang dalawang M16 rifle, M14 habang nakuha naman mula kay Corpuz ang cal .45 pistol at isang cal .45 pistol na may magazine at mga bala mula naman kay Gonzales.
Pinakawalan sina Corpuz at Gonzales matapos makapagpakita ng dokumento mula sa Comelec para makapagdala ng armas. (Ulat ni Joy Cantos)