3 NPA todas sa engkuwentro
March 12, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Napaslang ang isang kumander ng New Peoples Army (NPA) at dalawa nitong tauhan matapos ang bakbakan laban sa tropa ng militar sa Alegria, Surigao del Norte kahapon ng umaga.
Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero ang nasawing NPA kumander na si Eusebio Dumaguit, alyas Commander Iraq.
Si Iraq ang tumatayong pinuno ng Section Committee 1 ng Front Committee 16 ng NPA rebels na aktibong nag-o-operate sa bayan ng Alegria at iba pang karatig pook.
Kasalukuyan namang beneberipika ang mga pangalan ng dalawang nasawing tauhan ni Commander Iraq matapos na wala ni isa mang identification card na narekober sa bangkay.
Sinabi ni Lucero na bandang alas-11 ng umaga habang kasalukuyang sinusuyod ng mga tauhan ng Charlie Company ng Armys 20th Infantry Battalion (IB) ang masukal na bisinidad ng Brgy. Alipao, Alegria, Surigao del Norte nang makasagupa ang grupo ni Commander Iraq.
Napilitan namang umatras sa sagupaan ang iba ang mga rebelde matapos na mapaslang ang kanilang pinuno at dalawang kasamahan na naghiwa-hiwalay ng direksiyon sa kagubatan.
Sa isinagawang clearing operations ay natukoy na si Commander Iraq ang isa sa mga napaslang na rebelde. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended