Sa nakalap na report sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Efren Abu, bandang alas-9 ng umaga nang mapasakamay ng mga elemento ng Ready Deployment Force (RDF) ng 28th Infantry Battalion ang kampo ng mga rebelde sa bisinidad ng Lingig, Surigao del Sur. Ang nasabing kampo ay binubuo ng 20 bunkers na may mga kahoy na kama at maaring pagkasyahan ng 50 katao.
Sumunod na nakubkob ang malaking kampo na kayang umokopa ng 20 rebelde sa bisinidad ng Mt. Diwata, Monkayo.
Habang nagsasagawa ng patuloy na combat operations ay nadiskubre naman ang isa pang kampo ng NPA sa Simulao, Boston, Davao Oriental.
Sa isa pang operasyon, nakubkob ng mga tauhan ng Charlie Company ng Armys 63rd Infantry Battalion ang itinuturing na main camp ng mga rebelde habang sinusuyod ang liblib na lugar sa Brgy. San Francisco Las Nievas, Northern Samar. (Ulat ni Joy Cantos)