Batay sa nakalap na ulat sa tanggapan ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator ret. Majr. Gen. Melchor Rosales, ang insidente ay naganap sa karagatan ng Sitio Borongkot, Bry. Magsaysay, Placer, Surigao del Norte dakong alas-7:30 ng gabi.
Kinilala ni Rosales ang mga nasawi na sina Susan Malinguez, 36; Charmen Manliguez, 9; Miguel Enso, 43; Susan Enso, 3; Cresel Enso, 15; Zara Enso, 8; Michael Enso, Allen Manliguez; Inday Enso, 1-anyos at ang siyam na buwang sanggol na si Sechen Manliguez.
Ang mga nawawala ay nakilala namang sina Jean Manliguez, 7 at Junjun Enso, apat na taong gulang.
Ayon kay Rosales, nabatid na ang nasabing bangka na may lulang 17 pasahero ay patungong Ban-Ban, Tangana-an, Surigao del Norte nang aksidenteng masira ang katig nito.
Hindi na nagawang kontrolin ng bangkero ang bangka hanggang sa tumagilid kung saan ay nagkagulo at nagpanic ang mga pasahero.
Mabilis namang nagresponde ang mga elemento ng Armys 20th Infantry Battalion ng 8th Infantry Division (ID) at nailigtas ang lima sa mga pasahero.
Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operations upang hanapin ang dalawa pang nawawalang pasahero. (Ulat ni Joy Cantos)