^

Probinsiya

Dinukot na ex-vice mayor at misis pinalaya na

-
CAMP SIMEON OLA – Pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dinukot na ex-vice mayor at kanyang misis matapos gawing kalasag sa tumutugis na puwersa ng pamahalaan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pagatpatan, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang mga pinalayang biktima na sina Balatan ex-Vice Mayor Felix Abaño at asawa nitong si Pilar Abaño; pawang hinostage ng NPA rebels sa kanilang pagtakas.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., ang mga biktima ay pinalaya sa Brgy. Pagatpatan bandang alas-11 ng gabi ilang oras matapos ang mga itong tangayin ng mga rebelde na sumalakay sa kanilang lugar.

Nabatid na ang mag-asawa ay tinangay ng mga rebelde bandang alas-7:30 ng gabi matapos na lusubin ang Bgy. Duran-Balatan, Camarines Sur.

Bago hinostage ang mag-asawa ay pinasok muna ng mga rebelde ang bahay ni P/Sr. Insp. Francisco Casida, Officer-in-Charge ng Balatan police station.

Ang pagpapalaya sa mga biktima ay inianunsiyo pa ng mga rebelde sa pampublikong benefit dance sa lugar at bago tuluyang lumisan ay hinikayat ang mga residente na huwag iboto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Senator Panfilo Lacson.

Samantala, pinabulaanan naman ni Police Regional Office (PRO) 5 Director Jaime Lasar ang napaulat na tinangay ng mga rebelde si SPO1 Edgar Igsoc dahilan sa katunayan ay ito pa ang nag-report sa insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa insidente. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

BALATAN

BRGY

CAMARINES SUR

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

DIRECTOR JAIME LASAR

ED CASULLA

EDGAR IGSOC

FRANCISCO CASIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with