Mayoralty candidate todas sa ambush
March 8, 2004 | 12:00am
Papatindi pa ang pagdanak ng dugo habang papalapit ang halalan matapos na isa na namang mayoralty candidate ang pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng dalawang di pa nakilalang lalaki sa naganap na pananambang sa Pagadian City, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.
Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Spokesman P/Sr. Supt. Joel Goltiao ang panibagong biktima na si Isidro del Socorro, 37, dating miyembro ng Sangguniang Panglungsod at kandidatong alkalde ng partido ni Isang Bansa, Isang Diwa presidential candidate Eddie Gil.
Sa kasalukuyan ay masusing sinisilip ng mga awtoridad ang mahigpit na banggaan sa pulitika sa lungsod bilang pangunahing motibo ng krimen.
Ayon kay Goltiao, ang pananambang ay naitala sa kahabaan ng highway ng Bana St., San Francisco, Pagadian City bandang 7:40 ng umaga.
Base sa imbestigasyon, nabatid na kasalukuyang pababa ang biktima ng kaniyang sasakyan nang biglang lapitan ng dalawang motorcycle riding men at pagbabarilin.
Matapos na masigurong patay na ang kanilang target ay mabilis na nagsitakas ang mga killer. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended