20 NPA na dinakip laya na
March 6, 2004 | 12:00am
Pinalaya na ang dalampung sibilyang dinakip ng mga tauhan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at pulis-Maynila na inakalang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) matapos na salakayin ang isang training house sa Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Veronica Derek Cabe, ang pagsasanay ng grupo ay inorganisa ng Center for Alternative Studies na nilahukan ng ibat ibang NGOs mula sa Luzon. Dinakip ng mga awtoridad ang mga nagsasanay subalit pinalaya rin ang 20 nilang kasamahan dahil sa walang matibay na ebidensya ang akusasyong mga rebeldeng NPA habang ang anim namang natitira ay patuloy na nakaditine sa WPD. Nakilala ang anim na sina Lolita Dela Cruz, Victor Serrano, Domingo Alcantara, Jovito Cunana, Eduardo De Jesus at Harold Gadlan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended