2 kandidato,campaign manager kinasuhan ng mayor ng Antipolo
March 6, 2004 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Nalalagay sa balag ng alanganin ang isang kandidato ng pagka-alkalde, bise alkalde at campaign manager makaraang sampahan ng kaso ni incumbent Antipolo Mayor Angelito Gatlabayan sa Antipolo prosecutors office kahapon.
Bukod sa kasong libelo, nahaharap din sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code (criminal and administrative charges) at damages ang mga akusadong sina San Isidro Brgy. Capt. Susana Garcia Say na tumatakbong kandidato sa pagkamayor ng Antipolo, vice mayor nitong si konsehal Troadio Reyes, at campaign manager na si Edilberto Lagasca.
Sa labing-apat na pahinang reklamo ni Antipolo Mayor Angelito Gatlabayan kay Assistant City Prosecutor Fernando Fernandez, nakasaad dito na naganap ang paninira ng mga akusado makaraang magpulong ang partido ng mga ito sa Main Gate, Bankhouse Solid Cement ng lungsod na ito na tuwirang isinangkot ni Gatlabayan sa iligal na droga.
"Iboboto pa ba natin si Gatbalayan na sangkot sa iligal na droga, kung kailangan ninyo non (iligal na droga) doon kayo kay Gatbalayan wala ako niyon," ani Reyes sa naturang pagpupulong.
Ang tinutukoy ng mga akusado sa kanilang speech ay yung pagsalakay ng Anti-Illigal Drugs Special Operations Task Force (AID-SOTF) sa isang bodega sa barangay Mambugan noong nakaraang taon na kung saan nakakuha ang mga kagawad ng pulisya ng P2 bilyong shabu, subalit wala naman umanong kinalaman si Mayor Gatbalayan dito.
Sinikap kunan ng paliwanag ng pahayagang ito ang mga akusado subalit hindi mahagilap ang mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Cristina Timbang | 15 hours ago
By Tony Sandoval | 15 hours ago
Recommended