^

Probinsiya

Supplier ng armas ng Abu, timbog

-
NUEVA ECIJA – Isang big time dealer ng armas at pampasabog na may koneksyon sa grupong Abu Sayyaf ang naaresto ng mga awtoridad sa kanyang pinagkukutaan sa Barangay Pula, Talavera, Nueva Ecija kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Luisito Palmera, Nueva Ecija Police provincial director, ang nasakoteng suspek na si Mario Barrientos, alyas Kato, 43, isang balik-Islam, mekaniko.

Si Barrientos ay nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence and Investigation Branch (PIIB) sa pamumuno ni P/Supt. Rhoderick C. Armamento, mga tauhan ng 307th PMG, Talavera Police, mga ahente ng Anti-Crime Task Force (ACTAF) at ng 3rd ISU-ISG ng Philippine Army.

Nabatid na armado ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 24 Judge Rodrigo Caspillo ng Cabanatuan City, nagsagawa nang dalawang linggong surveillance ang mga awtoridad sa hide-out ng suspek saka nagsagawa ng sorpresang pagsalakay dakong alas-12 ng hatinggabi.

Nakumpiska sa suspek ang M-16 baby armalite, dalawang (2) .9mm pistol, caliber; .38 rev, caliber .22 rev, 17-piraso ng clamor mines; 2 long white C4 explosive, kulay pulang XLT jeep na walang plaka, 160-piraso ng mga bala, cal. 5.56, 50 bala, cal .45, 2 piraso ng 40 mm rifle grenade, 23-bala ng cal .30, iba’t ibang uri ng bala at magazines, ID ng Pasig Security Force ng suspek, 1 Kabalikat Civicom para sa suspek, ID ng federation of senior citizen para sa suspek, plaka ng sasakyan (PFD-421) at mga personal na gamit.

Lumalabas sa interogasyon na ang suspek ay gagawing "sacrificial lamb" o magiging suicide bomber sa hindi pa matukoy na lugar at ito ay sa likod ng utos umano ng isang alyas Ghalib.

May nakuha ring last will and testament sa suspek. Nabatid na ang nakalagay sa ilalim na bahagi ng sulat doon ay Balik Islam Unity Congress. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANTI-CRIME TASK FORCE

BALIK ISLAM UNITY CONGRESS

BARANGAY PULA

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

JOY CANTOS

JUDGE RODRIGO CASPILLO

KABALIKAT CIVICOM

LUISITO PALMERA

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with