2 pulis, 4 sekyu patay sa shootout
March 4, 2004 | 12:00am
CAVITE Dalawang pulis-Bacoor at apat guwardiya ang iniulat na nasawi makaraang magsagupa ang magkabilang grupo sa anim na oras na madugong shootout sa Barangay Area B, Queensrow Subdivision, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa napatay na pulis ay sina PO2 Marius "Bong" de Guia at PO3 Freddie Calvo habang sa panig naman ng security guard ay sina Alfonso Pangilinan, Renato Tubo, Felipe Telisilda at isang hindi nakilala na pawang guwardiya ng Alert Security Agency na nakatalaga sa lupaing pag-aari ng GSIS.
Kasalukuyan naman sinisiyasat at isasailalim sa paraffin test ang 26 na sekyu ng Alert Security Agency para matukoy ang mga nagpaputok ng baril na pumatay sa dalawang pulis-Bacoor.
Nagreklamo sa PSN ang mga dinakip na security guard na bago sila dalhin sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus ay pinagtulungan silang gulpihin ng mga hindi kilalang pulis-Cavite saka kinuha pa ang kanilang cellphone at hindi nabatid na halaga.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng tawag ang 117 hotline ng PNP tungkol sa kaguluhang naganap sa pagitan ng dalawang grupo ng sekyu na nagbabantay sa naturang lupain.
Agad naman rumesponde sina De Guia at Calvo ng PNP-Bacoor para magsagawa ng imbestigasyon subalit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng mga sekyu sa pag-aakalang mga kalabang guwardiya dahil na rin sa kadiliman ng naturang lugar.
Kahit sugatan ang isang kagawad ng pulisya ay nakahingi pa ng saklolo sa kanyang mga kabaro kaya mabilis naman rumesponde ang ibat ibang yunit ng pulisya upang tumulong sa nagaganap na shootout na ikinasawi ng dalawang pulis.
Dito na nakipagpalitan ng putok ang kapulisan ng Cavite laban sa mga sekyu hanggang sa bumulagta ang apat na guwardiya.
Narekober naman sa 26 sekyu ang ibat ibang kalibre ng baril na bineberipika pa kung may kaukulang papeles mula sa Comelec.
Napag-alaman pa na ang pinag-aawayan lupain na binabantayan ng Alert Security Agency ay inaangkin naman ng mayamang negosyante na nagtalaga rin sa grupo ng Maranatha Security Agency. (Ulat nina Joy Cantos at Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am