Ang mga biktimang magkakalayong nakahandusay sa dating basurahan ay nakilalang sina Willy Alegre, 39, drayber; Arsenio Arecala, 17, at Mervin Marquez, 17, pawang residente ng Barangay Malitlit ng naturang lugar.
Ayon sa pulisya, bandang alas-4 ng hapon nang madiskubre ng security guard ang tatlong bangkay na tadtad ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
May palagay ang pulisya na droga ang isa sa anggulo kaya pinaslang ang mga biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)