^

Probinsiya

9 pampasaherong dyip hinoldap ng Bonnet Gang

-
KASIBU, Nueva Vizcaya – Mahigit dalawang-daang pasahero mula sa siyam na pampasaherong dyip ang magkakasunod na hinoldap (Feb. 29, ’04) ng limang hindi kilalang kalalakihan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tadji sa bayang ito.

Sa salaysay ni chairwoman Jullie Hacodam, ng Kapisaan Kasibu sa PSN, dakong alas-6:30 nang umalis ang kanilang sinasakyang dyip mula sa Malabing Valley.

Pagsapit sa Barangay Tadji, may kalahating oras mula sa kanilang pinanggalingan nang mapansin nila ang pitong sasakyan at mga pasahero nito na nakadapa sa lupa kung saan agad din silang pinababa at inutusang ilabas ang lahat ng kanilang pera, alahas at ari-arian.

Tumagal ang nasabing holdap ng isa at kalahating oras matapos harangin ang siyam na sasakyan na patungo sa Bayan ng Solano, may dalawang oras ang biyahe mula sa nabanggit na bayan.

Kaugnay nito ay wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente maliban lamang sa isang pulis na inagawan ng baril ng mga holdaper matapos kapkapan.

Agad namang nagpadala si Col. Felix Caddali ng Nueva Vizcaya police provincial office ng mga elemento ng pulisya upang tugisin ang mga suspek. (Ulat ni Victor P. Martin)

BARANGAY TADJI

BAYAN

FEB

FELIX CADDALI

JULLIE HACODAM

KAPISAAN KASIBU

KAUGNAY

MALABING VALLEY

NUEVA VIZCAYA

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with