3 sibilyan dedo sa sunog
March 1, 2004 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Tatlong sibilyan ang kumpirmadong nasawi makaraang lamunin ng apoy ang 80 kabahayan sa San Pedro, Laguna noong Sabado ng gabi, ayon sa ulat ng kahapon.
Kinilala ng San Pedro Fire Department ang mga biktimang natusta sa sunog ay sina Flor Anne Encinas, Divina Encinas-Apostol at ang tatlong taong gulang na batang lalaking si Dagul.
Ayon kay Fire Officer 1 Rosauro Pagkalinawan, bandang alas-10:45 ng gabi ng magsimula ang apoy sa bahay ni Wilfredo Frias bago mabilis na kumalat sa kalapit bahay hanggang sa lamunin ng apoy ang magkakadikit na kabahayan na matatagpuan sa Magsaysay Road.
Nabatid pa kay Pagkalinawan, nahirapan ang mga nagrespondeng pamatay-sunog na apulahin ang kumakalat na apoy dahil sa masikip ang kalsada sa pinagmulan ng sunog.
Anim na fire trucks mula sa San Pedro ang rumesponde at pinaniniwalaan naman aabot sa P2 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended