Sekyu todas sa sagasa
February 29, 2004 | 12:00am
Nueva Ecija Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang isang security guard habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang mabundol ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo ng isang dambuhalang tanker truck sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road, Brgy. Alua, San Isidro ng lalawigang ito kamakalawa ng hatinggabi.
Ang nasawi ay nakilalang si Efren Tecson, 33, may-asawa, isang company guard ng San Isidro Labrador Poultry Farm at residente ng nasabing lugar.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang sugatang biktima na si Eduardo Magno, 44, may-asawa, kasamahang security guard ni Tecson matapos na magtamo ng mga sugat at gasgas sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek na kinilalang si Jesus Antalan, 41, may-asawa ng Brgy. Quiling, Roxas, Isabela, driver ng international head tractor na may plakang BVK -749 na nakabundol sa dalawang biktima.
Sa imbestigasyon, nabatid na bandang alas- 12:10 ng hatinggabi kamakalawa habang binabagtas ng Suzuki X-4 tricycle ang kahabaan ng highway sa nasabing lugar nang salpukin ito ng nasabing truck. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended