^

Probinsiya

CAFGU dedo sa ambush

-
CAMP AGUINALDO – Isang dating kasapi ng makakaliwang kilusan na naging miyembro ng Cafgu Active Auxilliary (CAA) ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa bahagi ng Sitio Tiwalos, Barangay Bonbon, Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Tinadtad ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang biktimang si Piano Banogon ng 32nd Zamboanga del Norte CAA Company sa ilalim ng Army’s 4th Infantry Battalion. Nakatakbo naman ang kapatid nitong si Jimmy matapos na bumulagta ang biktima, ayon sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo. May teorya naman ang mga imbestigador na pinatahimik ang biktima bilang paghihiganti ng kilusan dahil sa nagbagong buhay na si Banogon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY BONBON

CAFGU ACTIVE AUXILLIARY

CAMP AGUINALDO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

NORTE

PIANO BANOGON

SITIO TIWALOS

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with