Bukod sa mga hinaing ng mga residente laban sa nasabing isyu ay talamak din sa Olongapo City ang pagbebenta ng mga piniratang VCDs at DVDs sa mga bangketa sa mga pangunahing lansangan at karamihan sa mga ibinebenta ay pawang mga malalaswang panoorin.
Ibinulgar naman ng isang mapagkakatiwalaang impormante na talamak ang operasyon ng illegal na mga patupadahan sa Purok 7 na sakop ng Barangay Cabalan na pinaniniwalaang pinoproteksyunan ng mga tiwaling opisyal ng pulisya.
Araw-araw ang operasyon ng patupada na malapit sa himpilan ng pulisya at may namamataang ilang mga naka-unipormadong pulis ang dumadaan sa kabila nang reklamong ipinararating ng mga konsernadong residente.
Gayundin ang problema sa ipinagbabawal na gamot droga sa Perimeter road, Barangay Pag-Asa na patuloy ang bentahan sa mga kabataan mag-aaral.
Sinabi pa ng source sa PSN na ilang tiwaling pulis ang protektor ng mga drug pusher sa nabanggit na lugar kaya patuloy na nakapagbebenta ng droga.
Idinagdag pa ng source na kapag may nahuhuling mga drug pusher ang mga tauhan ng Drug Enforcement Group (DEG) ay kaagad din itong pinalalaya kahit walang isinasampang kaso dahil sa ginagawang pang-a-arbor ng mga protektor na pulis. (Ulat ni Jeff Tombado )