Wanted na Canadian nasakote
February 26, 2004 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Naval Intelligence Service Group ang isang wanted na Canadian national makaraang magtangkang tumakas sakay ng bangka patungo sa Malaysia mula sa lalawigan ng Tawi-Tawi, ayon sa ulat ng militar kahapon. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal sa immigration bureau ang puganteng si Dan Michael Lopez na pinaniniwalaang nakapatay ng hindi nakilalang lalaki sa isang bayan sa Cebu.
Base sa ulat, ang pagkakadakip kay Lopez ay bunsod ng impormasyon nakalap ng mga awtoridad na may banyagang nagbabalak na tumawid ng border na sakop ng Mapun Island patungo sa Malaysia. Dahil sa pinaigting na kampanya laban sa terorismo ay agad naman nasakote si Lopez na walang maipakitang kaukulang dokumento sa pananatili sa bansa. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Tony Sandoval | 13 hours ago
Recommended