^

Probinsiya

Killer ng mag-utol ikinanta

-
LEGAZPI CITY – Kinilala ng pulisya ang pinaka-utak sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-utol na batang lalaki makaraang ikanta ng kalaro ng mga biktima bago pa maganap ang malagim na insidente noong Martes ng umaga.

Kinilala ni P/Sr. Pedro Tango, Albay police chief, ang suspek na si Ernesto Dayto, 55 ng Aeroville Subdivision, Barangay Cruzada, Legazpi City.

Sinabi ni Tango na inihanda na ang kasong abduction with murder laban kay Dayto matapos na ikanta ng isang 10-anyos na batang lalaki ang insidente bago pa matagpuan ang bangkay ng mag-utol na sina Roy, 14 at Rolly Mancanes, 12 na nakasako saka itinapon sa Alternate Road sa Washington Drive.

Base sa imbestigasyon, inihayag ni Tango na positibong nakita ng batang testigo ang ginawa ng suspek laban sa mag-utol matapos na maaktuhang naninikwat ng kalapati malapit sa bakuran ni Dayto.

Nang makahulagpos ang nakababatang Mancanes mula sa mahigpit ng kamay ni Dayto ay sinundan naman ng nakamotorsiklong hindi kilalang lalaki saka pakaladkad na sinakal paitaas, ayon pa sa saksi.

Subalit, ayon sa pulisya, inamin naman ng saksi na hindi niya nakita ang aktuwal na krimen na naganap noong Linggo bago pa matagpuan ang mag-utol na nakasako.

Magugunitang ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ng ina ng mga biktima matapos na hindi umuwi ang mag-utol hanggang sa madiskubre ang dalawang bangkay na may palatandaan na pinahirapan bago pinaslang. (Ulat nina Cet Dematera at Ed Casulla)

vuukle comment

AEROVILLE SUBDIVISION

ALTERNATE ROAD

BARANGAY CRUZADA

CET DEMATERA

DAYTO

ED CASULLA

ERNESTO DAYTO

KINILALA

LEGAZPI CITY

ROLLY MANCANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with