Sintunadong kumanta tinodas

SAN MATEO, Rizal – May posibilidad na sintunado at hindi nagustuhan ang kinantang awitin ng isang 36-anyos na pintor kaya pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihan sa loob ng videoke bar sa Barangay Ampid I ng naturang bayan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Bernabe Quiros Jr., ng #30 Pag-asa compound ng nabanggit na barangay. Isa sa apat na suspek ay agad na nasakote ng mga rumespondeng barangay tanod na nakilalang si Louie Alanas, 28, ng Kalayaan Street, Barangay Ampid I, San Mateo, Rizal. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagalit ang apat sa kanta ng biktima kaya isinagawa ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling-araw. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments