Mayor ng GMA kinasuhan sa Comelec
February 24, 2004 | 12:00am
CAVITE Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang alkalde ng Genaral Mariano Alvarez, Cavite makaraang kasuhan ng diskuwalipikasyon sa Commission on Elections ng isang municipal engineer dahil sa paglabag sa umiiral na batas ng halalan.
Sinampahan ng kaukulang kaso sa tanggapan ni Atty. Juanito V. Ravanzo, provincial elections supervisor sa Trece Martires City noong Pebrero 19, 2004 si GMA Mayor Walter D. Echevarria ng Lakas-CMD matapos na suspindihin niya si Bernardino Polidario, GMA municipal engineer simula noong Oktubre 21 hanggang Disyembre 21, 2003.
Matapos ang 60 araw na suspensiyon ni Polidario ay muling bumalik sa puwesto subalit inilipat siya ng alkalde sa ibang dibisyon ng munisipyo.
Dito na gumawa ng hakbang ang abogado ni Polidario na kasuhan sa Comelec si Mayor Echevarria dahil sa paglabag sa pinaiiral na batas ng Comelec na walang opisyal o empleyado sa ilalim ng Civil Service na maaaring ilipat simula Disyembre 15, 2003 hanggang Hunyo 9, 2004.
Dahil sa pag-aakalang madidiskuwalipa ay nagpalabas ng kautusan si Mayor Echevarria na muling ibalik sa puwesto bilang municipal engineer si Polidario. (Ulat ni Mario D. Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended