5 nalitson sa kuryente
February 24, 2004 | 12:00am
TIAONG, Quezon Lima-katao, kabilang ang mag-iina ang iniulat na namatay matapos na makuryente habang sakay ng pampasaherong traysikel sa Barangay Ayusan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Ang mga biktima na pawang natusta dahil sa 4,800 boltahe ay nakilalang sina Marlene Gracilia, 25; ang dalawang anak niyang sina Aldrin, 5; at Abigail, 2; Teresita Gracilia, 23, (hipag ni Marlene) at Renato Pesigan, 60, na pawang mga residente ng Brgy. Bukal.
Batay sa imbestigasyon ni PO1 Dennis Rivera, officer-on-case, dakong alas-4:15 ng hapon habang sakay ng traysikel (XG-2661) na minamaneho ni Ricky Palma, 20, ang mga biktima nang madaanan nila ang nakalawit na kable ng Meralco na nakahambalang sa kalye.
Agad na nagkikisay sa loob ng traysikel ang limang biktima nang mapadikit sa bakal na bahagi ng sasakyan ang linya ng kuryente na dinaluyan ng malakas na boltahe.
Nagawa namang makatakbo ng driver ng traysikel at ng dalawang back-rider nito na sina Amelia Gracilia, 40; at Christopher Gracilia, 20, kapwa ng Brgy. Tamisan.
Pinag-aaralan na ng pamilya ng mga biktima ang isasampang reklamo laban sa Meralco dahil sa kapabayaan ng mga ito. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine M. Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended