Vice mayor, 3 pa inabsuwelto sa kidnapping
February 23, 2004 | 12:00am
NORZAGARAY, Bulacan Inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) sa kasong kidnapping ang tatlo kabilang na ang vice mayor ng bayang ito, isang pulis at dalawang sibilyan dahil sa walang sapat na matibay na ebidensya na magdidiin sa mga akusado.
Base sa 15-pahinang resolusyon na nilagdaan ni State Prosecutor Elizabeth L. Bernal sa rekomendasyon ni Asst. Chief Prosecutor Apolinario G. Exevea, inaprobahan ni Chief State Prosecutor Juvencito R. Zuño na pinawalang sala sina Vice Mayor Abner Gener Sr., SPO1 Wilfredo de Castro, Abundio Lapig at Santiago Datanghel.
Ang pagkakabasura sa kasong iniharap ni Arthur Daz noong Mayo 2, 2002 laban sa mga akusado ay bunsod ng hindi pagkakaugma ng tunay na pangyayari.
Base sa record ng DOJ, si Daz ay nagsampa ng reklamo sa DOJ laban kay Vice Mayor Abner Gener Sr. at sa tatlo na dinukot siya noong Mayo 2, 2002 at dinala sa isang poultry farm sa Fortune Village, Malinta, Valenzuela City.
Lumalabas sa masusing pag-aral ng DOJ sa naturang kaso ay hindi umuugma ang mga salaysay na ibinigay ni Daz kaya napilitang ibasura ng kinauukulan.
Samantala, pinag-aaralan naman ng mga abugado ni Vice Mayor Abner Gener Sr. ang posibleng isasampang kaso laban kay Daz. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended