4 MILF dedo sa mga tanod

CAMP CRAME – Apat na kasapi ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na nasawi makaraang makasagupa ang mga barangay tanod na nagbabantay sa bahay ng kanilang barangay chairman sa Sitio Tuay, Barangay Tugal, Midsayap, Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkikilanlan ng mga napatay na rebelde matapos na pumalag ang mga tanod dakong alas-5:30 ng umaga. Nabatid na nilusob ng MILF ang bahay ni Barangay Chairman Tubog Pulaon pero lumaban ang mga tanod kaya nagkapalitan ng putok bago bumulagta ang apat na tauhan ni Commander Samal Masgal. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments