^

Probinsiya

Rally ng kongresista grinanada: 2 patay, 8 sugatan

-
CAMP AGUINALDO – Trahedya ang kinahinatnan ng isinagawang ‘political rally’ ng partido ng re-electionist Lanao del Norte Congressman Abdullah Dimaporo matapos sumabog ang inihagis na granada ng di kilalang lalaki na ikinasawi ng opisyal ng barangay at 5-anyos na bata habang walo naman ang nasugatan sa madugong insidente sa bayan ng Pantar ng nasabing lalawigan ng Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Lt. Col. Daniel Lucero, Chief ng AFP-Public Information Office, nakaligtas naman sa insidente si Dimaporo na siya mismong nag-organisa ng nasabing pagtitipon.

Batay sa ulat, kasalukuyang nagtatalumpati si Dimaporo sa harapan ng kanyang mga supporters sa Pantar Municipal Hall nang bigla na lamang maghagis ng granada ang isang di pa nakilalang lalaki bandang alas-4:45 ng hapon.

May teorya ang pulisya na may bahid ng pulitika ang isa sa pangunahing motibo sa pagtatangka sa buhay ni Dimaporo na tumatakbo sa ilalim ng partido ng Lakas-NUCD ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nabatid na kabilang sa mga karibal sa posisyon ni Dimaporo ay si dating Army Chief ret. Lt. Gen. Gregorio Camiling ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino na ang presidential standard bearer ay si Fernando Poe Jr. (Ulat nina Joy Cantos at Lino Dela Cruz)

ARMY CHIEF

DANIEL LUCERO

DIMAPORO

FERNANDO POE JR.

GREGORIO CAMILING

JOY CANTOS

LINO DELA CRUZ

NAGKAKAISANG PILIPINO

NORTE CONGRESSMAN ABDULLAH DIMAPORO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with