^

Probinsiya

Pagtugis sa Pentagon KFR group sinuspinde

-
CAMP AGUINALDO – Pansamantalang sinuspinde ng tropa ng militar ang isinasagawang pagtugis laban sa notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang na responsable sa pagdukot sa mayamang negosyanteng babae sa Lambayong, Sultan Kudarat upang bigyang-daan ang negosasyon para sa pagpapalaya sa biktima.

Sinabi ni Brig. Gen. Agustin Dema-ala, Commander ng Army’s 301st Brigade, na ipinag-utos na niya ang pansamantalang pagpapatigil ng pagtugis laban sa grupo ni Pentagon KFR leader Commander Mayangkang Saguile sa kahiligan na rin ng mga lokal na opisyal ng lalawigan.

Ayon kay Dema-ala nagpadala na ng mga emisaryo ang mga lokal na opisyal sa lalawigan upang makipagnegosasyon sa mga kidnaper ng biktimang si Zoila Kansi.

Nauna nang humingi ng P8 milyon ransom ang mga kidnaper sa pamilya ni Kansi kapalit ng pagpapalaya sa biktima.

Sa kabila nito, sinabi ni Dema-ala na bagama’t pansamantalang inihinto ang operasyon ay mananatili ang tropa ng militar sa bahagi ng mga hangganan ng Sultan Kudarat at Maguindanao partikular na sa Liguasan Marsh upang mapigilan ang mga kidnaper sakaling tangkaing tumakas.

Magugunita na si Kansi, isang grocery owner at soda dealer ay dinukot ng sampung armadong kalalakihan sa loob ng kaniyang tindahan sa Lambayong Public Market noong nakalipas na Pebrero 12 at tinangay sa bulubunduking hangganan ng lalawigan ng Sultan Kudarat at Maguindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

AGUSTIN DEMA

COMMANDER MAYANGKANG SAGUILE

DEMA

JOY CANTOS

KANSI

LAMBAYONG PUBLIC MARKET

LIGUASAN MARSH

MAGUINDANAO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with