3 patay sa sakuna
February 18, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Tatlo-katao ang nasawi habang tinataya namang nasa 50 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok sa puno ng niyog ang isang pampasaherong jeepney sa Toledo City, Cebu kamakalawa.
Kabilang sa nasawi sina Regeneses Manigos, 32; Mateo Panday, 24 at Antonio Terana; pawang nakaupo sa unahang bahagi ng bus.
Ang mga nasugatan na umaabot sa 50 katao ay mabilis namang isinugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.
Base sa ulat, naganap ang sakuna sa kahabaan ng Sitio Apid, Brgy. Cantabaco ng nasabing lungsod.
Nabatid na kasalukuyang minamaneho ng driver na si Melchor Segarra ang West Star Bus na may plakang GWD 498 sa kahabaan ng nasabing lugar nang bigla itong mawalan ng preno.
Hindi nakontrol ng driver na si Segarra ang manibela kung saan ay sumalpok ang bus sa puno ng niyog bago ito tuluyang tumaob.
Kasalukuyan namang nakaditine sa Toledo City Detention and Rehabilitation Center si Segarra na himalang nakaligtas sa aksidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended