Pulis itinumba sa presinto
February 17, 2004 | 12:00am
MANGALDAN, Pangasinan Binaril at napatay ang isang kagawad ng pulisya ng dalawang lalaki habang ang biktima ay nagbabasa ng dyaryo sa loob ng presinto na matatagpuan sa pamilihang bayan ng nasabing lugar kahapon ng umaga.
Napuruhan sa ulo ang biktimang si PO2 Augusto Aquino, 34, binata at residente ng Frianeza Street, Mangaldan, Pangasinan.
Samantala, kritikal namang ginagamot sa Region I Medical Center sa Dagupan City ang dalawang suspek na sina Joselito Magalong at Bernie Tamayo na nakipagbarilan sa mga rumespondeng pulis na sina PO2 Arturo Fernandez at PO2 Benjamin Zarate Jr.
Sa pahayag ni P/Chief Insp. Harris Fama, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, bago maganap ang insidente ay pinulong niya ang lahat ng nasasakupang pulis kabilang na si Aquino dakong alas-8 ng umaga bago magtungo sa kanilang binabantayang presinto.
Ayon pa sa ulat, nagtungo ang biktima sa kanyang destinong presinto saka nagbasa ng dyaryo at ilang sandali pa ay lumapit ang dalawang suspek at inupakan sa ulo ang pulis.
Bago tumakas palakad ang dalawa ay tinangay nito ang baril ng biktima pero nakasalubong ang dalawang rumespondeng pulis matapos na marinig ang umalingawngaw na putok sa kinaroroonan ng kanilang kasama.
Dito na nakipagbarilan ang dalawang suspek laban sa kasalubong na dalawang pulis hanggang sa humupa ang putukan na nagresulta pagkasugat ng malubha nina Magalong at Tamayo.
Wala pang malinaw na motibo sa naganap na pamamaslang sa biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended