^

Probinsiya

Banta ng NPA tatapatan ng AFP

-
Nakahanda ang tropa ng militar na tapatan ang banta ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) laban sa tropa ng mga sundalong Amerikano na lalahok sa RP-US joint military exercises sa Central Luzon.

Ayon kay Major Gen. Cristolito Balaoing, Chief ng Army’s 7th Infantry Division (ID) na nakabase sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija, may sapat na puwersa ang militar para protektahan ang US troops na balak paslangin at dukutin ng mga rebeldeng NPA.

Una rito, nagbanta si NPA Spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal na aatakehin ang mga sundalong Amerikano na magpapartisipa sa napipintong Balikatan 2004 na isasagawa sa Central Luzon simula Pebrero 23 hanggang Marso 7.

Bilang reaksiyon ay sinabi pa ni Balaoing na inisyu lamang ni Ka Roger ang pagbabanta upang takutin ang publiko at upang ipakita ang kanilang bangis.

Gayundin, minaliit ng opisyal ang kapabilidad ng mga rebelde para magsagawa ng pamamaslang at pagdukot sa hanay ng mga sundalong Amerikano.

Nabatid na umaabot sa 2,600 puwersa ng mga sundalong Kano habang 2,300 naman mula sa mga sundalong Pinoy ang nakatakdang magpartisipa sa nasabing joint militar exercises. (Ulat ni Joy Cantos)

AMERIKANO

CENTRAL LUZON

CRISTOLITO BALAOING

FORT MAGSAYSAY

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

KA ROGER

MAJOR GEN

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with