^

Probinsiya

3 hijacker napatay sa shootout

-
GUIGUINTO, Bulacan – Tatlong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng isang hijacking syndicate na umano ay kumikilos sa Kamaynilaan ang nasawi matapos makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Traffic Management Group-Task Force Limbas sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa may bahagi ng Kilometer 34 ng barangay Tiaong sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Anastacio Inoncillo, hepe ng pulisya sa bayang ito, na isa lamang sa tatlong suspek ang kanilang nakilala sa pangalang Florentino Vinarao ng Acacia St., Malabon City, habang patuloy pang inaalam ang dalawang kasamahan nito.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado ala-1:15 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente nang makatanggap ng impormasyon ang nasabing ahensiya ng pulisya na isang trailer truck na may plakang TWN-414 na may kargang mga bakal ang hinay-dyak ng tatlong kalalakihan matapos na ito ay lumabas sa pier sa Port Area at dadalhin ang kargamento sa Cainta, Rizal.

Ito ay naispatan ng mga awtoridad na pumasok sa expressway patungong Norte.

Agad na kinordon ng awtoridad ang nasabing lugar at naharang ang trailer truck, subalit sa halip na sumuko ang mga suspek ay pinaputukan umano ng mga ito ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

ACACIA ST.

ANASTACIO INONCILLO

BATAY

EFREN ALCANTARA

FLORENTINO VINARAO

MALABON CITY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PORT AREA

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP-TASK FORCE LIMBAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with