Pinatay dahil sa sermon
February 14, 2004 | 12:00am
CAVITE Isang 43-anyos na babae ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang live-in partner makaraang salubungin ng sermon ng biktima ang lalaki sa Barangay 62 A, Cañacao B, Samonte Park, Cavite City kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng maraming saksak ng patalim sa katawan ang biktimang si Rosa Febrer, alyas Rosy, 43 samantalang sumuko naman ang suspek na si Orlando Guzman, alyas Taba. Base sa imbestigasyon ni PO3 Julio Perez, pinagmumura at pinagsabihan ng masama ng biktima ang kararating pa lamang na suspek sa kanilang bahay kaya nagalit ito hanggang sa isagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended