^

Probinsiya

Killer ng broadkaster,kinilala

-
LEGAZPI CITY - Kinilala na ng Task Force Guwapo ang isa sa killer ng brodkaster na si Rowell Endrinal na pinagbabaril noong Miyerkules ng umaga sa Barangay Oro Site ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, si Clarito Orosubal na may nakabinbing kaso ng robbery at murder sa Masbate ay may patong sa ulo na P250,000 at isang notoryus na bayarang mamatay-tao sa tamang presyo.

Ayon sa asawa ni Endrinal, positibong naman kinilala ng mga testigo si Orosubal matapos na isagawa ang pamamaslang sa biktima habang papasok ng radio station dzRC dakong alas-6 ng umaga noong Miyerkules.

Si Endrinal, 45, ay ikalawang journalist na ang napapatay sa loob lamang ng tatlong buwan at ayon sa ulat ng Center for Media Freedom and Responsability, Ika-44 na ang biktima sa buong bansa simula noong 1986.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang kasama ni Orosubal sa hindi binanggit na bayan para hindi masunog ang isinagawang dragnet operation.

Kinondena naman ng Citizens Anti-Crime Assistance Group (CAAG) sa pamumuno ni Roger Santos, CAAG national president, ang brutal na pamamaslang kay Endrinal. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY ORO SITE

CITIZENS ANTI-CRIME ASSISTANCE GROUP

CLARITO OROSUBAL

ED CASULLA

MEDIA FREEDOM AND RESPONSABILITY

MIYERKULES

OROSUBAL

ROGER SANTOS

ROWELL ENDRINAL

SI ENDRINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with