^

Probinsiya

Black propaganda niluluto laban sa 2 PSN reporters

-
OLONGAPO CITY – Matapos ang sunud-sunod na pagbubulgar na inilathala sa pahayagang ito kaugnay sa prostitusyon at bold shows sa bayan ng Subic, Zambales ay inumpisahan na ng nagmamay-ari na sangkot sa pagpapalabas ng malalaswang panoorin at prostitution den ang "black propaganda" at pagsasagawa ng imbentong paraan ng paninira laban sa reporter na ito at kasamahan pa sa pamamagitan ng pagsasampa ng inilutang na reklamo sa tanggapan ng Sangguniang Barangay sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa.

Sa nakakalap ng liham kahapon, ang nagreklamo ay si Nestor Mago, may-ari ng Georgetown Disco na matatagpuan sa kahabaan ng national-hiway, Barangay Calapandan sa naturang lugar.

Ayon sa inimbentong sulat ni Mago sa isinumite noong Pebrero 10, 2004 kay Ruel Sarmiento, punong-barangay ng Calapandan, inirereklamo nito ang dalawang nabanggit na reporter dahil sa hindi pagbabayad ng P3,635 ng inuming alak nang pumasok sa kanyang gusali sa magkahiwalay na okasyon noong Nobyembre 4, 15, 2003.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan hindi naman masawata ng mga tauhan ng 301st Criminal Investigation and Detection Team ng Zambales ang talamak na putahan sa naturang lugar.

Ang nilulutong "black propaganda" ni Mago laban sa dalawang reporter ng pahayagang ito ay bahagi ng paraan upang lituhin ang mga residente kung ano ang tunay na operasyon ng negosyo ni Mago na labis na tinutuligsa ng mga residente ng barangay ang pagpapalabas ng bold show.

Nakatakda namang paimbestiga kay CIDG-Regional Director P/Sr. Supt. Raul Mascarinas si Belluga dahil sa patuloy na operasyon sa mga bahay-aliwan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY CALAPANDAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM

GEORGETOWN DISCO

JEFF TOMBADO

MAGO

NESTOR MAGO

RAUL MASCARINAS

REGIONAL DIRECTOR P

RUEL SARMIENTO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with