Sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Felino Pelota, 35; Jose Ardidon, 33; Roger Alomar, 30; Saturnino Gobis, 47; Pepito Halig, 34 Norwin Halig at Marilyn Pacheco na pawang residente ng Muntinlupa City at Laguna.
Base ulat ng pulisya, ang naturang grupo ay pinamumunuan ni Monching Manalo na responsable sa serye ng pagnanakaw at holdap sa buong lalawigan ng Laguna at karatig pook ng Southern Tagalog Region.
Dahil sa impormasyong nakalap ng mga tauhan ng Regional Criminal and Detection Unit (RCDU), Police Regional Office at Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) tungkol sa gaganaping pagpupulong ng "Bicol Connection Group" ay agad na bumuo ng unit ang mga awtoridad para salakayin ang naturang lugar.
Hindi na nakapalag ang mga suspek makaraang makorner ng mga awtoridad subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakatakas ang lider na si Manalo na ngayon ay tinutugis.
Nabatid pa na responsable ang grupo sa pagpaslang sa Barangay chairman ng San Vicente, Laguna noong 2003. (Ulat ni Joy Cantos)