^

Probinsiya

7 notoryus na magnanakaw nalambat

-
CAMP CRAME – Pitong sibilyan na pinaniniwalaang kasapi ng kilabot na grupong "Bicol Connection" ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon sa Barangay Paciano Rizal, Calamba, Laguna kamakalawa ng umaga.

Sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Felino Pelota, 35; Jose Ardidon, 33; Roger Alomar, 30; Saturnino Gobis, 47; Pepito Halig, 34 Norwin Halig at Marilyn Pacheco na pawang residente ng Muntinlupa City at Laguna.

Base ulat ng pulisya, ang naturang grupo ay pinamumunuan ni Monching Manalo na responsable sa serye ng pagnanakaw at holdap sa buong lalawigan ng Laguna at karatig pook ng Southern Tagalog Region.

Dahil sa impormasyong nakalap ng mga tauhan ng Regional Criminal and Detection Unit (RCDU), Police Regional Office at Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) tungkol sa gaganaping pagpupulong ng "Bicol Connection Group" ay agad na bumuo ng unit ang mga awtoridad para salakayin ang naturang lugar.

Hindi na nakapalag ang mga suspek makaraang makorner ng mga awtoridad subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakatakas ang lider na si Manalo na ngayon ay tinutugis.

Nabatid pa na responsable ang grupo sa pagpaslang sa Barangay chairman ng San Vicente, Laguna noong 2003. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY PACIANO RIZAL

BICOL CONNECTION

BICOL CONNECTION GROUP

FELINO PELOTA

JOSE ARDIDON

JOY CANTOS

MARILYN PACHECO

MONCHING MANALO

MUNTINLUPA CITY

NORWIN HALIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->