Kinidnap na negosyante nasagip, kidnaper timbog
February 12, 2004 | 12:00am
Matapos ang 22 araw na pagkakabihag ay nailigtas ng mga awtoridad ang kinidnap na negosyanteng Chinese-American national habang nadakip naman ang dayuhang kidnaper sa isinagawang rescue operations sa Bacoor, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ni National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) Chief Angelo Reyes, ang nailigtas na Alastair Joseph Onglingswan, isang business executive.
Ang biktima ay nailigtas ng pinagsanib na operatiba ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER), NAKTAF, Bacoor police at Cavite Police Provincial Office sa isinagawang raid sa Camella Sorrento Homes Subdivision, Brgy. Panapaan IV, Bacoor, Cavite dakong alas-8:50 ng umaga.
Nakilala naman ang nasakoteng kidnaper na si George Yao, isang Hongkong national na naninirahan sa subdibisyong pinagtaguan sa biktima.
Ayon sa ulat, ang mga kidnapers ay humihingi ng $600,000 ransom kapalit ng kalayaan ng biktima.
Isang sibilyan ang nag-tip sa mga awtoridad sa hideout ni Yao kayat isinailalim ito sa surveillance operations hanggang isinagawa ang raid na nagresulta sa pagkakaligtas sa biktima at pagkakadakip kay Yao.
Magugunita na si Onglingswan ay kinidnap sa Makati City noong Enero 20 matapos na magpanggap na taxi driver si Yao.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang follow-up operations ng mga awtoridad upang madakip ang iba pang kasamahan ni Yao sa sindikato. (Ulat nina Joy Cantos at Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am